Inanunsyo ng Los Angeles Clippers nitong Lunes na nakuha na nila ang 28 taon gulang at point guard na si Ben Simmons, dalawang araw matapos siyang i-waive ng Brooklyn Nets kasunod ng buyout ng kaniyang kontrata.
Hindi naman inilahad ng Clippers ang mga detalye ng kasunduan, ngunit ito na ang huling taon ni Simmons sa kanyang limang-taong paglalaro.
Ayon sa mga ulat nasa $177.2 million ang kontrata ng NBA star na kumikita ng $40.3 million ngayong season.
Nagtapos ang pananatili ni Simmons sa Nets matapos ang isang injury-plagued na natamo nito nang tatlong taon.
Ang dating Rookie of the Year at tatlong beses na All-Star ay sumali sa Nets noong Pebrero 10, 2022, bilang bahagi ng limang-player na trade na nagpadala kay James Harden sa Philadelphia 76ers.
Sa panahon ng kanyang pananatili sa Brooklyn, nakapagtala si Simmons ng 90 laro, 69 dito ay bilang starter, at mayroong-average na 6.5 points, 6.2 rebounds, at 6.3 assists sa 25.4 minutong paglalaro.
Gayunpaman, ang naging performance ni Simmons sa Nets ay hindi nakapantay sa mga numerong ipinakita niya sa 76ers, kung saan siya pinili bilang No. 1 overall pick noong 2016 NBA Draft.