-- Advertisements --

Nasorpresa umano ang Philadelphia Sixers sa biglang pagsipot na rin sa team practice ng kontrobersiyal na All-Star guard na si Ben Simmons.

Sinasabing hindi raw ito inaasahan ng organisasyon na dumating ang player sa Wells Fargo Center sa Philadelphia lalo na at lumutang ang isyu na ayaw na nitong maglaro sa team.

Nagmamatigas umano ang three-time All-Star na malipat siya sa ibang koponan sa pamamagitan ng trade.

Ito ay sa kabila na meron pa siyang apat na taon sa kontrata sa halagang $147 million.

Dahil umano sa pagiging pasaway ng NBA superstar, kinaltasan na ito ng isang milyong dolyar dahil sa hindi paglalaro ng dalawang practice games.

Habang minultahan din ito ng aabot na sa katumbas na P25 million.