-- Advertisements --

Inilatag ng Quezon City Local Government Unit ang ilan sa mga nadagdag sa mahabang listahan ng mga guest performer na magkikiisa sa Pride PH Festival 2024.

Ilan sa mga tampok na mga artist sa second wave ay ang bandang Ben&Ben, singer at rapper na si Gloc-9 at iba’t ibang mga Drag Artist gaya na lamang ni Mac N’ Sheesh o mas kilala bilang Taylor Sheesh, Drag Race Philippines Season 1 Winner Precious Paula Nicole, Pura Luka Vega at marami pang drag performers.

Habang nauna namang inanunsyo ng nasabing lokal na pamahalaan ang hosts at first wave performers kabilang sila Unkabogable Star Vice Ganda, ang sikat na sikat ngayong girl group na BINI, Marina Summers, Sassa Gurl at iba pang miyembro at ally ng LGBTQA+ community.

Samantala, ang naturang Pride PH festival ngayon taon ay gaganapin sa darating na Hunyo 22 sa Quezon Memorial Circle.