-- Advertisements --

Lubos ang kasiyahan ng Filipino indie folk-pop band na Ben&Ben matapos na sila ay ma-nomina sa 2020 MTV Europe Musi Awards (EMA).

Ayon sa MTV Asia na nominado ang banda sa kategorya na Best Southeast Asia Act.

Makakatunggali ng grupo ang Jack sa Vietnam, Agnez Mo ng Indonesia, Benjamin Kheng ng Singapore, K-Clique ng Malaysia at Violette Wautier ng Thailand.

Nanagawan ang nasabing grupo sa kanilang fans na makilahok sa botohan ng hanggang Nobyembre 3.

Ipapalabas ang MTV EMA sa darating na Nobyembre 8.

Pinasikat ng banda ang mga kantang “Araw-Araw”, “Kathng Isip” , “Maybe the Night” at “Pagtingin”.