-- Advertisements --

Nagbuhos ng 22 points si LaMarcus Aldridge upang pangunahan ang San Antonio Spurs sa 125-104 pagtambak sa Portland Trail Blazers.

Umalalay din si DeMar DeRozan na may double-double na 20 points and 11 assists para sa opensang ipinamalas ng Spurs.

Namayani rin para sa San Antonio ang mga bench players na sina Rudy Gay at Patty Mills na kumamada ng 21 markers mula sa bench.

Maging si reserve center Jakob Poeltl ay nagdagdag ng 11 points at pitong rebounds.

Nasayang naman ang 35 big points na pinakawalan ni Damian Lillard para sa Blazers.

Ibinigay ng basket ni Carmelo Anthony sa huling dalawang minuto sa third quarter ang 80-78 abanse sa Trail Blazers.

Agad namang sumagot ang Spurs, na naghulog ng 11-0 bomba para tangayin ang 95-82 lead sa final canto.

Bagama’t pinilit ng Blazers na makahabol tampok ang 2-pointer ni Rodney Hood, hindi pa rin ito sapat para malusutan ang San Antonio.