Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang benchmark interest rate ng 75 basis points sa 5 percent, gaya ng naunang inanunsyo.
Ginawa ito ng kagawaran para tumugma sa naunang pagsasaayos ng US Federal Reserve at para mapaamo ang inflation.
Ang mga benchmark ng rate ng interes o kilala rin bilang mga reference rate ay regular na ina-update ang mga rate ng interes na naa-access ng publiko.
Ang mga ito ay isang kapaki-pakinabang na batayan para sa lahat ng uri ng mga kontrata sa pananalapi tulad ng mga mortgage, mga overdraft sa bangko, at iba pang mas kumplikadong mga transaksyon sa pananalapi.
Umabot sa 7.7 porsiyento ang inflation noong Oktubre, pinakamataas sa halos 14 na taon.
Ang consumer price index ay mas mabilis kaysa sa 2 hanggang 4 percent na target ng gobyerno.
Sa ngayon, mahigpit na mino-monitor ng mga analyst ang December adjustments ng US Fed na nakikitang bumagal sa 50-bps (basis points) mula sa sunud-sunod na 75-bps (basis points) point hike sa mga nakaraang pagpupulong.