-- Advertisements --
image 207

Nagdesisyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas na panatilihin sa 6.25 percent ang benchmark interest rate sa kabila ng pagbagal ng inflation sa nakalipas na tatlong buwan.

Ayon sa anunsyo ni BSP Governor Felipe Medalla sa monetary policy meeting, bagama’t humupa ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin at serbisyon, nananatili pa rin namang malaki ito kumpara sa target ng gobyerno.

Matatandaang noong Pebrero ay nasa 8.6 percent ito, nasa 7.6 percent naman noong Marso at 6.6 percent na lang noong buwan ng Abril.

Samantala, binabaan muna ang inflation forecast ng BSP sa 5.5 percent, mula sa dating 6.1 percent lamang.

-- Advertisement --

Habang 2.8 percent naman mula sa dating 3.1 percent para sa taong 2024.

Dagdag pa ni Medalla, inaasahan nang mas bababa pa ang inflation mula sa 2% hanggang 4% sa huling bahagi ng taon.