BAGUIO CITY – Ipapatupad ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) ang Pantawid Liwanag Program para matulungan ang mga member-consumer-owners (MCO) sa Baguio City at Benguet.
Ayon sa kooperatiba, para sa buwan ng April, hindi na kailangang magbayad ang mga MCO na nakakonsumo ng 30 kilowatt hour (kWh) o mas mababa pa.
Maghahandog din ang kooperatiba ng P100 na diskwento sa mga konsumer na nakagamit ng 31 hanggang 100 kilowatt hour.
Para naman sa buwan ng Mayo, magbibigay din ang BENECO ng P100 na diskwento sa mga konsumer na nakagamit ng 101 hanggang 200 kilowatt hour.
Ayon pa sa kooperatiba, ang mga nakabayad na ng bills ay mabibigyan ng subsidiya sa account ng mga ito na magsisilbing advance payment para sa 30 kilowatt hour o mas mababa pa habang partial payment sa 31 kilowatt hour pataas.
Mabibigyan ng 30 araw na grace period o palugit ang mga MCOs para magbayad mula sa araw na natanggap nila ang kanilang bill.