-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang musical figure ng bansa na si Benedictine monk Fr. Manuel Maramba sa edad 84.

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) hindi na nito nakayanan ang sakit niyang pancreatic cancer.

Isa rin siyang pari sa sa Abbey of Our Lady of Montserrat sa Maynila.

Nagsimula ang knai yang monastic profession noon Abril 1962 at inordinahan na maging pari noong Disyembre 1967.

Nakilala siya sa paggawa ng tatlong operas gaya ng “Aba! Sto. Niño,” “La Naval” at “Lord Takayama Ukon”.

Bukod pa dito ay siya rin ang gumawa ng kanta na kumikilala kay San Lorenzo Ruiz at offiical hymn ng 1996 National Eucharistic Congress, ang kantang “Awakening” na commissioned ng Ballet Philippines at ang kantang “Seven Mansions” para sa Philippine Ballet Theather’s production.