Nakatakdang tumanggap ng Social Security System coverage ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang bahagi ng joint program sa pagitan ng SSS at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ilalim ng 4Ps AkanSSSya Program, na sakop ng isang memorandum of agreement (MOA) na lalagdaan ngayong araw, Hulyo 8, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay bibigyan ng access to low-cost social insurance na sumasaklaw sa pagkawala ng kita, at pagkakasakit, at iba pa kasama ang buwanang premium na sagot ng mga benepisyaryo.
Ayon sa DSWD, bubuo ang SSS ng contribution subsidy table partikular sa 4Ps organized group, na tutukuyin batay sa actuarial study at ang aktwal na kapasidad ng mga benepisyaryo na magbayad ng minimum monthly amount na P570.
Kabilang sa mga saklaw ng programa ay ang mga benepisyaryo ng 4Ps na miyembro ng mga asosasyon ng mga manggagawa, mga informal sector groups at mga asosasyon ng sustainable livelihood program.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary and Spokesperson Irene Dumlao, kaialngang maturuan ang mga benepisyaryo ng 4Ps sa kahalagahan at benepisyo ng SSS membership at savings.