-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakakabinging palakpakan at hiyawan matapos na inanunsyo na tatanggap ng hindi lamang limang libong piso bagkus walong libong piso ang bawat benepisyaryo ng TUPAD mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa bayan ng Kabacan Cotabato.

Abot sa 303 benepisyaryo mula sa 24 barangay ng Kabacan ang tumanggap sa pangunguna ni Cotabato 3rd District Congressman Jose Tejada, Cotabato Governor Nancy Catamco, DOLE, DSWD, at may papremyong handog rin si Sen. Christopher Go.

Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa ayudang natanggap ng mga kabakeños. Aniya, hindi talaga kinakalimutan ng Diyos ang bayan ng Kabacan pagdating sa mga programa na makakatulong sa pag-angat ng kanilang kabuhayan.

Samantala, malugod namang binati ni Gov. Nancy Catamco ang Kabacan. Ganoon din ang mainit na pagbating ipinarating ni Cong. Tejada na siyang nanguna sa pagkakabilang ng bayan na maging benepisyaryo ng TUPAD.

Siniguro naman ni DOLE-12 RD Raymundo Agravante na laging nakaantabay ang kanilang tanggapan upang mabigyan ng sapat na tulong at suporta ang mga Kabakeño.