-- Advertisements --

VIGAN CITY – Pinatitiyak ng isa sa mga pangunahing nagtulak ng Expanded Maternity Leave Law na naisama sana sa nabalangkas at napirmahang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng bagong batas ang benepisyo ng mga lalaking inabandona ng kanilang asawa at sa kanila ipinaalaga ang kanilang bagong silang na anak.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Sen. Risa Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sinabi nitong kailang nakalagay sa IRR ang kaparehong benepisyong makukuha ng lalaking inabandona ng kaniyang asawa sa benepisyong makukuha ng solo parent na working mother sa ilalim ng bagong batas.

Ibig sabihin lamang umano nito, maaari ring mabigyan ng 120 days leave ang lalaki dahil siya naman ang tumatayong ina sa kaniyang bagong silang na anak.

Aniya, mahalaga ring mabigyan ng pagkakataon ang lalaki na maalagaang mabuti ang kaniyang anak na iniwan ng kaniyang ina nang sa gayon ay masigurong lalaki itong malusog at hindi sakitin.