BAGUIO CITY- Nakahanda si Benguet Caretaker Cong. Eric Go Yap na humarap sa Senado sa sandaling siya ay maimbitahan sa hearing ng Senate of the Whole Committee sa isyu ti agri products smuggling.
Sa interview ng Bombo Radyo Baguio, nilinaw ni Kevin See-Chief of Staff ng opisina ng kongresista na dati pang meron silang komunikasyon sa mga kinuukulang ahensia at nagtutuloy ang kanilang kampanya kontra sa smuggling nga agricultural products.
Nilinaw pa niya na hindi dapat naglalabas ng mga maling impormasyon at hwag haayang mapolitika ang isyu ng smuggling lalo ng huwag idamay ang mga magsasaka sa campaign period.
Maalalang sa huling hearing ng Senado, nagdulot ng diskusyon ang akusasyon ni Senador Cynthia Villar kay Senate President Vicente Sotto II na nang-bypass sa kaniya bilang Chairperson ti Senate Committee on Agriculture and Food nang mabuo ang komite na tututok sa imbestigasyon ng agri products smuggling.
Naging mainit ang diskusyon ng dalawang Senador nang sinabi ni Senador Villar na hindi inimbitahan ng panel caretaker ng Benguet.
Sa ngayon, nagtutuloy parin ang reklamo ng mga Benguet farmers sa nagtutuloy na smuggling sa mga agri products gaya ng sibuyas at iba pang gulay.