-- Advertisements --

BAGUIO CITY—Naghahanda na si Benguet-elect Congressman Nestor Fongwan Sr. para sa pag-upo nito sa Kamara.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi niya na nakapunta na ito sa Kamara para sa mga kakailanganin na paghandaan nitong dokumento.

Dagdag niya na maganda ang pag-uusap nila ni outgoing Benguet Congressman Ronald Cosalan para sa tahimik at magandang transisyon ng opisina ng kongresista sa probinsya.

Nagpasalamat siya sa paghahandog o pag-alok ni Cosalan sa opisina niya sa Kamara kahit magdedepende ito sa room assignment sa Kamara.

Iniulit ni Fongwan na ang pag-up niya sa kongresista sa Benguet ay tutukan nito ang pagrepaso at pagsasaayos ng mga lumang batas gaya ng Revised Forestry Code of the Philippines, partikular sa mga national park at People’s Small-Scale Mining Act of 1991 para mailipat sa lokal na gobyerno ang hurisdiksyon ng mga i small-scale miners.