-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Tiniyak ng Provincial Veterinary Office na hindi pa nakakapasok ang African Swine Fever sa lalawigan ng Benguet.
Ayon kay Dra. Miriam Tiongan, Provincial Veterinary Officer, mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga alagang baboy at sa mga karne ng baboy na ibenebenta sa merkado.
Inihayag pa niya na dumadaan sa masusing inspeksion ang mga karne ng baboy na dinadala sa Benguet mula sa ibang lugar.
Una nang kinumpirma ng Department of Agriculture na hindi madadapuan ng ASF ang mga tao dahil sakit lang ito ng mga baboy.