-- Advertisements --
National ID system
National ID system

BAGUIO CITY – Posibleng maisama ang lalawigan ng Benguet bilang isa sa mga pilot testing areas ng national identification (ID) system registration.

Sinabi ito ni Atty. Lourdines Dela Cruz, deputy national statistician ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa kanyang pagbisita sa La Trinidad, Benguet.

Aniya, ikinokonsidera ng ahensiya ang Benguet sa national ID registration dahil sa presensiya ng mga indigenous peoples.

Maaalalang ang mga beneficiaries ng Department of Social Welfare and Development at mga empleyado ng pamahalaan kasama na ang PSA ang kasalukuyang sumasailalim ng pilot registration sa national ID.

Dinagdag pa ni Dela Cruz na kailangan ng mga vulnerable groups ang special attention kasama ang mobile registration sa mga malalayo o liblib na mga lugar.

Ang national ID ay bubuuin ng ID number, larawan ng mukha, pangalan, araw at lugar ng kapanganakan, gender at marital status ng card holder.

Layunin ng RA 11055 o ng Philippine Identification System Act na mabigyan ng valid proof of identity ang mga Pilipino at mapabilis ang mga transaksiyon ng mga ito sa pamahalaan at sa pribadong sektor.