BAGUIO CITY – Puntirya ng lokal na pamahalaan na muling buksan sa publiko ang Benguet Provincial Museum sa Abril ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Heather Dizon, provincial tourism operations officer, sa pagbubukas ng museum ay isasagawa ang iba’t-ibang exhibit sa tuwing anim na buwan.
Isinailalim sa rehabiltasyon ang museum at nilagyan ito ng mga CCTV cameras at iba pang bagong kagamitan.
Pinonduhan ito ng National Commission on Culture and the Arts ng P350,000.
Kabilang sa mga pinaka-lumang artifacts sa museum ang century old coin noong American period.
Matutunghayan pa sa Benguet museum ang mga koleksyon mula sa iba’t-ibang donors.
Unang binuksan ang museum noong June 19, 1973 para sa pagpreserba sa mga antigong bagay mula sa iba’t-ibang bahagi ng Benguet.