-- Advertisements --

Nananawagan si Benguet Cong. Eric Yap sa mga District engineers ng DPWH na agad i-assess ang pinsala sa mga kalsada at tulay na nasira ng lindol kahapon sa kanilang lugar.

Ayon kay Yap, isusulong niya na maisama sa binabalangkas na 2023 National Expenditure Program (NEP) ang budget para sa repair ng mga kalsada, tulay at silid aralan na nasira dahil sa lindol.

Sinabi ng kongresista, kung hindi maihahabol sa binubuong 2023 NEP ang budget para sa repair ng mga nasirang inprastraktura at nag landslides na kabundukan, maghihintay na naman sila ng isa pang taon para ito ay mapondohan.

kumpiyansa si Yap na may sapat pang panahon ang DBM para maisama sa 2023 budget ang kailangan pondo, hindi lamang sa Benguet kundi sa lahat ng rehiyon o lalawigan na sinira ng lindol.

Giit ni Yap, sapat pa ang panahon para gawin ito dahil 12-days lamang ang kailangan ng DBM para sa printing ng NEP bago ito isumite sa Kongreso sa Aug. 25 o isang buwan matapos ang SONA ni PBBM.

Dagdag pa nito, ang Benguet at Abra ay kabilang sa may pinakamaliit na IRA sa mga lalawigan sa buong bansa, kaya imposible na kayanin nilang balikatin ang pag pondo sa mga nasirang imprastraktura ng 7.0 magnitude na lindol.