-- Advertisements --

Nagkaroon ng pagtaas ng benta ng mga air-conditioning units sa bansa dahil sa nararanasang init ng panahon.

Ayon sa grupo ng mga installment company sa bansa na mula noong kalagitnaan ng Marso ay mayroong mahigit 1,000 aircon units ang naibebenta kada araw buong bansa.

Karamihan sa mga negosyante ay naubusan na ng stocks kung saan dahil sa iba’t-ibang uri ng installment terms ay mas dumami ang nakabili ng mga aircon units.

Subalit paglilinaw ng mga kumpanya nangunguna pa rin ang mga mobile phones na mabenta sa mga installment applications.