-- Advertisements --
Muling isinara ng mga kapulisan sa Delhi, India ang mga tindahan ng mga alak dahil sa pinagkaguluhan ito ng mga tao.
Mula kasi noong Marso 24 ng isara ang mga ito ay binuksan ito nitong araw ng Lunes.
Dahil sa kumalat na video na maraming mga tao ang nagkagulo sa mga liquor shops at hindi na naoobserbahan ang social distancing kaya nagdesisyon ang mga otoridad na isara muli ang mga ito.
Kahalintulad din ang nasabing sitwasyon sa ibang mga estado gaya sa Karnataka kung saan maaga pa lamang ay napuno na ang harapan ng mga bilihan ng alak.
Isinulong ng mga lider ang pagbubukas ng mga liquor shop dahil ang mga buwis sa mga alak ang siyang pinagkukuhanan ng kita ng kanilang gobyerno.