-- Advertisements --

LA UNION – Ramdam ng ilang residente sa Hong Kong (HK) na masitulang matamlay pagdiriwang ng Pasko doon.

Sa ulat ni Bombo Radyo International News Correspondent Emily Miranda, kapansin-pansin na matumal ang bentahan ng mga palamuti o Christmas decorations sa mga tindahan.

Kung dati aniya, bongga ang gayak ng mga kilalang mall sa Hong Kong ngunit ngayon ay walang palamuti ang mga ito na bilang palatandaan sana na malapit ng ipagdiwang ang Pasko.

Ayon aky Miranda, ipinagbawal muli ng pamahalaan ng Hong Kong na magkaroon ng mass gathering at mahigpit ang pagpapatupad ng social distancing lalo nasa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.