Nagkaroon ng panibagong paraan ang mga drug pushers sa pagbebenta nila ng mga iligal na droga.
Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Wilkins Villanueva, na kahit na may coronavirus pandemic ay hindi pa rin humihinto ang transaksyon ng iligal na droga.
Kung dati aniy ay sa mga bars, restaurant at hotels ngayon ay sa mga isinasagawang house parties dahil na rin sa paghihigpit sa health protocols.
Ayon pa sa PDEA chief na madali na sila ngayong maaresto ang mga suspek dahil sa isang lugar na lamang na sila ngayon.
Maging aniya ang mga bansa na apektado ng COVID-19 ay hindi pa rin tumitigil ang pagbebenta ng iligal na droga.
Karamihan na mga nakukuha nila ngayon ay mga iba’t-ibang uri ng party drugs na ecstacy at kush na mula sa India, Pakistan, Afghanistan at ilang bahagi ng Asya.