-- Advertisements --

Ikinatuwa ng mga lokal na magbababoy dahil sa nanunumbalik na ang sigla ng bentahan nila ng mga sariwang karne ng baboy sa pamilihan.

Sinabi ni Pork Producers Federation of the Philippines chairman Nicanor Briones, na bumabalik na sa pag-aalaga ng mga baboy ang mga nasa greenzones o mga lugar na hindi na tinatamaan ng African swine fever.

Ilan sa mga tinukoy nito ay sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Hindi na rin mataas ang presyo ng karne ngayon na kung dati ay pumapalo ito ng hanggang P400 kada kilo.

Sa kasalukuyan ay nasa P310 hanggang P320 ang kada kilo ng sariwang kasim sa mga pangunahing pamilihan.