-- Advertisements --
NAGA CITY- Pansamantala munang ipinapatigil ng lokal na pamahalaan ng Candelaria, Quezon ang pagbebenta ng inuming lambanog sa publiko.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Col. Jerzeel Calderon ng Candelaria PNP, nagrequest na ang alkalde sa naturang lugar na pansamantalang itigil ang bentahan ng lambanog habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon.
Samantala, ayon kay Calderon kumuha na rin ang kanilang imbestigador ng sample ng inumin na ipapasailalim sa eksaminasyon.
Una rito, isa katao na ang naitalang patay habang dalawa ang nacomatose matapos umanong uminom ng naturang klase rin inumin.