-- Advertisements --

Naniniwala ang industry ng mga sasakyan sa bansa na papalo sa mahigit 423,000 na sasakyan ang maibebenta sa pagtatapos ng taon 2023.

Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA) na nitong Oktubre lamang ay mayroong 38,128 na mga units ang naibenta nila.

Mas mababa ito ng 1.3 percent noong Setyembre subalit mataas naman ito ng 18.6 % noong Oktubre 2022.

Sinabi n CAMPI president Rommel Gutierrez na naabot na nila ang 83% ng kanilang 2023 forecast noong Oktubre at dahil sa patuloy na demand ng mga sasakyan ay tataas pa ang nasabing mabebenta nila na sasakyan.