-- Advertisements --

CEBU CITY – Pinare-regulate ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia ang pagbebenta sa mga medical oxygen tanks sa probinsya dahil sa nangyaring panic buying.

Sa ilalim ng Executive Order No. 36 na inilabas ng gobernadora, kinakailangan nang magpakita ng resea mula sa doktor bago pagbilhan ng oxygen tank ang isang indibidwal.

Hanggang limang tig-20 pounds na oxygen tank lang ang maaring ibenta ng mga manufacturers at dealers sa mga customers.

Maliban pa rito, irereserba naman ng mga manufacturers at dealers ang 50-kilogram Medical Oxygen Tank sa mga ospital.

Sa kabilang dako, pinanawalang bisa ni Garcia ang ruck ban sa probinsya, lalo na ang para sa delivery truck na may dalang oxygen tank.

Samantalang, iginiit ni Cebu City Acting Mayor Mike Rama na sapat pa at walang shortage ng oxygen tank sa Cebu.

Panawagan pa nito sa mga nag-aatubiling o may planong bumili na huwag nang kumuha kung hindi naman kinakailangan.