Ibinunyag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-aalangan ang Chinese pharmaceutical company na Sinopharm na mag-distribute ng kanilang COVID-19 vaccine dahil sa laganap daw ang pekeng COVID-19 vaccine sa bansa.
Sinabi pa ni Roque, mayroong impormasyon na nakuha ang Sinopharm ang umano’y bentahan ng pekeng bakuna sa Binondo, Maynila.
Ipinasara na rin aniya ng Chinese government ang mga pagawaan ng mga pekeng Sinovac vaccine sa China subalit mayroon pa ring nakalusot gaya dito sa Pilipinas.
Iginiit pa ni Roque, kapag nagkaroon ng masamang epekto ang pekeng bakuna ay ibibintang sa Sinovac ang nasabing negatibong epekto nito.
Nakipag-ugnayan na rin ito sa ambassador ng China para ayusin ang pagpasok ng Sinopharm sa bansa.
Magugunitang nag-apply na ng emergency use authorization ang Sinopharm sa bansa.