-- Advertisements --

Magsisimula na bukas Agosto 29 ang bentahan ng tickets para sa inaabangang concert ng girl group na BINI na “Grand BINIverse”.

Ang two-night concert ng grupo ay gaganapin si Araneta Coliseum sa darating ng Nobyembre 16 at 17.

Mayroong tatlong hiwalay na schedule ang bentahan ng tickets kung saan bukas ay mga BINI Wand Lucky 88 members na magsisimula kung saan maari lamang silang makabili ng hanggang tig-apat na tickets sa mga membership ID.

Maari lamang ito ng mabili sa TicketNet mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Sa araw naman ng Biyernes, Agosto 30 ay mga exclusive members ng BINI fansite ang makakabili ng kanilang tickets ng hanggang tig-apat lamang.

Ang mga miyembro ay dapat ilagay ang kanilang membership ID sa promo code section para makumpleto ang kanilang pagbili ng tickets.

Habang sa Sabado , Agosto 31 mula alas-12 ng tanghali ay magiging general sale kung saan sa pamamagitan ng online at maaaring makabili lamang ang mga general audience ng hanggang tig-dalawang tickets.

Lahat aniya ng tickets ay non-refundable kung saan ang mga nakabili ng VIP standing, Patron A o B ay maaaring makabili ng dagdag na tickets para sa soundcheck options.