-- Advertisements --

Itinuturing ng mga kapulisan sa Berlin na isang uri ng terrorist attack ang naganap na pagsagasa ng isang kotse sa tatlong motorsiklo.

Nagtamo ng matinding pinsala ang mga biktima na lulan ng motorsikllo sa A100 motorway.

Ayon kay Berlin prosecutor’s office spokesman Martin Stelner, na target ng 30-anyos na Iraqi suspek ang mga motorista.

Posibleng ang atake aniya ay political o religious motive.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.