Inilunsad na ni US Sen. Bernie Sanders ang kanyang 2020 presidential bid kung saan nangako itong magpapakawala raw ito ng “political revolution.”
Sa kanyanga talumpati sa Brooklyn, New York, tinawag nito bilang “most dangerous president” sa kasaysayan ng US ang business mogul na si Donald Trump.
Nangako rin ito na sakaling siya raw ang mahalal na pangulo, kanya raw pagbubuklurin ang mga mamamayan.
Inilahad din nito ang kanyang mga gagawin sakaling maging pangulo, tulad ng pagpapataas ng minimum wage, gawing libre ang matrikula sa mga unibersidad at kolehiyo, at iba pa.
Matatandaang natalo kay Hillary Clinton ang 77-year-old independent Senator sa 2016 Democrat race.
Bukod kay Sanders, mahigit 10 rin ang tumatakbo bilang Democrat candidate, gaya nina Massachusetts Sen. Elizabeth Warren at New Jersey Sen. Cory Booker. (BBC)