-- Advertisements --
Isinakay sa wheelchair matapos na manalo sa second round ng French Open si fifth seed player Kiki Bertens.
Tinalo kasi nito si Sara Errani sa score na 7-6(7-5), 3-6, 9-7.
Umabot kasi ang laban sa tatlong oras at 11 minuto kung saan nahabol ng Dutch player ang 5-2 deficit.
Hindi naman ikinatuwa ni Errani ang ginawa ni Bertens kung saan maaari naman siyang manalo kahit na hindi na ito sumakay pa sa wheelchair.