Nangako ang Department of Tourism (DOT) na magpapatupad ng “best practices” nito sa pagsalubong ng mga atleta at bisita ng bansa para sa Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon sa DOT, may representatives mula sa kanilang ahensya ang naka-deploy sa mga paliparan at departure activities ng mga delegado.
Nanawagan din ang Tourism department sa publiko na magkaisa at ipakita ang magandang hospitality ng mga Pilipinong sikat sa buong mundo.
“We call on everyone to unite and live up to the Filipino brand of service and fun that we are known for. Let us rise to the occasion and put our best foot forward,” ayon sa DOT.
Kung maaalala, maaagang inulan ng reklamo ang SEA Games matapos ireklamo ng football teams ng Thailand, Myanmar, Cambodia at Timor-Leste ang matagal na pag-iintay nila sa paliparan papunta sa kanilang mga hotel.
Una ng humingi ng paumanhin si PHISGOC chairman Alan Peter Cayetano kaugnay ng mga reklamo.