Kinilala bilang Most Empowered Veteran Actress of the Year ang 77-year-old actress na si Eva Darren sa naganap na Gawad Dangal Filipino Awards 2024 sa ParaƱaque City.
Binigyang parangal at pagkilala ang husay at dedikasyon ng aktres sa industriya ng pag-arte, at ang kaniyang mga naging kontribusyon sa mga pelikula mula noong 1960s.
Sa naging speech nito sa prestihiyosong awards night, nagpasalamat si Eva sa Gawad Dangal lalo na sa award-winning director na si Romm Burlat na siyang Chairman ng award-giving body.
Nagbigay rin ito ng maikling pahayag tungkol sa pagbibigay-pugay at di paglimot sa mga nauna sa industriya.
Kamakailan nga lang ay umugong ang kontrobersiya sa FAMAS, matapos hindi mabigyan ng pagkakataon si Eva na mag presenta ng parangal, na ikinagalit naman ng maraming mga netizens.
Samantala, sa exclusive interview ng Star FM Manila sa aktres, ibinahagi naman nito ang kahalagahan ng parangal na kaniyang natanggap mula sa Gawad Dangal.