-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong komedyanteng si Matutina sa edad na 78.

Kinumpirma ng anak nitong si Shiela Guerrero ang pagpanaw ng inang si Evelyn Bontogan.

Dagdag pa ng anak na nagkaroon ng respiratory failure ang sanhi ng kamatayan ng komedyante.

Nagsimula ang career ng komedyante bilang voice talent sa mga drama sa radyo.

Siya rin ang naging boses sa iba’t-ibang karakter na napapanood sa mga cartoon mula sa ibang bansa.

Mas nakilala ang actress sa tv sitcom na “John en Marsha” na pinagbibidahan noon nina Dolphy at Nida Blanca kung saan kasambahay siya ni Dely Atay-Atayan na nag-ere mula 1974 hanggag 1990.

Ang komedyante mismo ang nagbigay ng suhestiyon sa director ng sitcom na tawagin siya bilang Matutina.