-- Advertisements --

Ibinunyag ng beteranong actor na si Al Pacino na ito ay muntik ng mamatay dahil sa COVID-19 noong 2020.

Sinabi ng 84-anyos Oscar-winning actor na hindi niya malilimutan ang pagkahawa niya ng virus at nawalan ito ng pulso.

Nakaranas ito ng lagnat at dehaydrated at labis itong nabahala.

Nagkaroon lamang ito ng malay ng dumating ang ambulansya at mga doktor na tumingin sa kaniya.

Labis itong nagtaka ng magkaroon ng malay at tinanong kung ano ang mga tunay na pangyayari.

Pinasalamatan niya ang kaniyang assistant dahil sa agarang pagtulong sa kaniya para makatawag ng mga doctors.

Ang nasabing karanasan ay ibabahagi ng beteranong actor sa kaniyang autobiography na “Sonny Boy” na ilalabas ngayong linggo.

Ilan sa mga pelikulang pinasikat niya ay ang “The God Father”, “ScarFace” at maraming iba pa.