-- Advertisements --

Naghain ng not guilty plea ang beteranong actor na si Kevin Spacey sa sex offense case.

Nakatakdang isagawa ang pagdinig sa kaso ni Spacey sa London sa susunod na taon.

Inakusahan kasi ng limang sex offense ang Oscar-wining actor sa Britain kung saan four counts dito ay sexual assault sa pamamagitan ng paghimas at isa seryosong kaso na pagpilit sa isang tao na makipagtalik.

Ayon pa sa prosecutor na pinilit din nito ang isang lalaki na magkasgawa ng oral sex.

Pinayagan dito ng Old Bailey central criminal court ng unconditional bail.
Itinakda sa Hunyo 6, 2023 ang pagdinig ng kaniyang kaso.

Sakaling mapatunayang guilty ang 62-anyos na actor ay posibleng makulong ito ng hanggang anim na buwan.