-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong actor na si Manolo Robles sa edad 88.

Ayon sa kaniyang mga anak, hindi na nito nakayanan ang sakit nitong prostate cancer.

Unang lumabas ang actor noong 1961 film “Ikaw O Ako” na pinagbidahan ng yumaong Fernando Poe Jr at Romeo Vasquez.

Mula noon ay gumanap itong kontrabida sa mga pelikulang “Pasong Diablo”, “Markang Rehas” at “Batang Maynila”.

Naging part-time driver siya ng actor na si Tony Ferrer na kilalang si James Bond ng Pilipinas hanggang nagkasama siya nito sa pelikulang “Baril sa Baril”.

Huling pelikula na ginawa nito bago tuluyang magretiro ay ang “Hulihin si Tiagong Akyat” at “Pepeng Agimat” na pinagbidahan ni Ramon Revilla Sr.

Matapos nito ay nanirahan na siya sa United States.