-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranong Hollywood actor na si Mark Withers sa edad na 77.

Sinabi ng kaniyang anak na babae na si Jessie na dahil pancreatic cancer ang dahilan ng kamatayan ng ama.

Ilang linggo din aniya ito ng nahimlay sa pagamutan hanggang hindi na niya nakayanan ang sakit.

Ilan sa mga pelikula na kasama siya ay ang “Magnum P.I”, “Wonder Woman”, “Stranger Things” at maraming iba pa.
Bumuhos naman ang pakikidalamhati mula sa kapwa artista matapos na mabalitaan ang malungkot na pangyayari.