-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad ang actor na si Ricardo Cepeda dahil sa kasong syndicated estafa.

Ayon sa Caloocan City PNP na ineresto nila ang actor na si Richard Cepeda Go nitong Sabado ng umaga.

Kasama ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Criminal Investigation and Detection Unit ay naaresto ang actor sa isang resto bar sa Mabini st. Maypajo.

Naaresto ang actor dahil sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court judge Sanchez Mirz at Cagayan Regional Trial Court Executive Judge Gemma Bucayu-Madrid.

Kasalukuyang nasa Camp Karingal ang actor.

Ayon naman sa kampo ng actor sa pamamagitan ng stepson nito na si Joshua de Seguera na namali na inakusahan ang actor.

Kinuha kasi siya bilang brand ambassador at product endorsers ng isang sales company na wala sa kaniyang kaalaman na ito pala ay nag-aalok ng investment scheme.