-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranong director at production designer na si Cesar Hernando sa edad 73.
Ayon sa pamilya nito kasama nila ito sa huling sandali habang nasa Cardinal Santos Center sa San Juan ng 3:24 umaga ng Miyerkules.
Nagtapos si Hernando sa University of Santo Tomas (UST) na may degree sa Fine Arts.
Kabilang ito sa mga pelikula ni direk Mike de Leon na “Kisapmata” , “Batch 81” at “Sister Stella L”;
Ang unang full-lenght na pelikula na ginawa nito ay “Gayuma” na ipinalabas noong 2015.
Nakagawa rin ito ng mga short feature film na “Maalinsangan ang Gabi” at “Motorsiklo”.