Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay sa mga kasamahan sa industriya sa pagpanaw ng beteranong writer, director at film producer na si Carlo J. Caparas.
Kinumpirma ng anak nito na si Peach ang pagpanaw ng ama nitong Sabado ng gabi sa edad na 80.
Hindi na nito binanggit pa ang sanhi ng kamatayan ng kaniyang ama.
Ibuburol ang mga labi ng direktor sa araw ng Lunes sa Golden Haven Memorial Chapels and Crematorium, sa Villar Sipag, C5 Extension Road, Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas.
Nagsimula si Caparas bilang cartoonist sa isang komiks at writer hanggang maging director at film producers.
Ilan sa mga nagawa nitong komiks ay ang “Totoy Bato”, “Bakekang”, Durugin si Totoy Bato” , Andres de Saya” at “Ang Panday”.
Unang directorial job nito ay ang 1979 na pelikulang “Mong” kasama niya dito si Aretemio Marquez.
Habang ang solo directorial debut niya ang “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang” na ang bida noon ay si Vivian Velez noong 1981.
Ilan sa mga sinulat niyang mga pelikula ay ang “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan”, “Somewehere”, “Lumuhod Ka Sa Lupa” at “Sandakot Na Bala”.
Dekada 90 ng nakilalal pa lalo ang direktor sa paggawa ng mga massacre movies na kinabibilangan ng ng mga “TheVizconde Massacre: God, Help Us!”, “The Myrna Diones Story: Lord, Help Us! “), The Cecilia Masagca Story: Antipolo Massacre – Jesus Save Us! ” , “The Maggie dela Riva Story: God… Why Me?” , “Lipa “Arandia” Massacre: Lord, Deliver Us from Evil” at maraming iba pa.
Taong 2009 ng iginawad sa kaniya ang National Artsits sa pamamagitan ng presidential order ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Inalmahan ito ng ilang sektor at maging ang mga kasamahan nito sa industriya at ilang mga dating national artist kaya naglabas ng desisyon ang Korte Suprema at ipinawalang bisa ang kaniyang award.
Kasamang natanggalan sina Cecile Guidote-Alvarez, Francisco Mañosa, at Pitoy Moreno.
Nagluksa naman ang direktor noong 2017 ng pumanaw ang asawang si Donna Villa dahil sa sakit na cancer of the uterus.
Sa kanilang mga social media account ay nagpaabot ang mga artista at kasamahan sa industriya ng direktor ng malaman ang malungkot na balita.