-- Advertisements --

Nagbigay ang beteranang singer na si Dolly Parton ng $1-milyon bilang donasyon sa mga nasalanta ng hurricane Helene.

Isinagawa nito ang anunsiyo ng magtanghal siya sa New Port.

Dagdag pa nito, na sariling pera niya ang nasabing donasyon at maghahanap pa ito ng paraan para makalikom ng dagdag na pondo.

Makikipagtulungan ito sa Dollywood Company para magkaroon ng dagdag na $1-milyon.

Sa kabuuan ang $2-M na halaga ay ibibigay sa Mountain Ways Foundation na siyang namamahala sa relief and recovery efforts sa East Tennessee, Western North Carolina at Appalachian region.