-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ng beteranong singer at songwriter na si Noel Cabangon ang pagtatapos nito ng bachelor’s degree in music.

Sa social media account ng 60-anyos na singer ay ibinahagi nito ang mga larawan ng kaniyang graduation sa ceremony sa Philippine Women’s University.

Makikita rin sa larawan na kinantahan niya dala ang kaniyang gitara na inialay nito sa mga kapwa graduates.

Sinabi nito na ang pagkamit dapat ng mga pangarap ay hindi titigil hanggang ito ay maabot.

Bumuhos naman ng mga pagbati mula sa mga fans at kapwa singers.

Ayon sa PWU na nagtapos ang singer ng Bachelor of Music Major in Popular Music degree under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) of the School of Music.