Maanghang ang naging buwelta ni Vice Pres. Leni Robredo sa pahayag ni dating Sen. Bongbong Marcos na ninakawan umano ito ng pwesto bilang tunay na ikalawang pangulo ng bansa.
Pinuna ni Robredo ang sinasabing “fake news” na pinapakalat ng kampo ni Marcos kaugnay ng electoral protest nito.
Hindi rin nakaligtas ang pagkakaugnay ng pamilya Marcos sa umano’y pagnanakaw sa kaban ng bayan sa naging bwelta ni bise presidente.
“Parang nakakatawa naman na siya iyong nagsasabi noon. Kasi between the two of us, parang hindi yata ako ang may ugaling mag-rob. Between the two of us, lahat ng na-achieve ko pinagpaguran ko. Wala akong fake diplomas, wala akong anything. Hindi ako naglalabas ng fake news. Parang… Parang dapat… dapat hindi niya kaya iyon sabihin kasi between the two of us, alam ko hindi ako iyong robber,” ani Robredo.
Nitong hapon nang sabihin ni Marcos na tila ninakawan siya ng posisyon ni Robredo dahil sa umano’y pandaraya nito na nagresulta sa pagkatalo niya noong 2016 vice presidential race.
“By conducting the cheating in the election, they robbed the proper vice president who won (the election) myself from the three years of service,” ani Marcos.