-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si John David Ashton sa edad na 67.

Sinabi ng kaniyang representatives na namayapa ang actor sa bahay nito sa Collins, Colorado dahil sa cancer.

Sa 50 taon nito sa Hollywood ay lumabas siya ng mahigit 200 na pelikula, TV at stage productions.

Nakilala siya sa pelikula ni Eddie Murphy na “Beverly Hills Cop” noong 1984.

Hanggang sa huling Beverly Hills Cop movie na ipinalabas ngayong taon ay kasama siya ng actor na si Murphy.

Ang Springfield, Massachussets native ay lumabas din sa pelikulang “MAS*H”.

Humiling ang pamliya nito na magbigay ng donasyon bilang pag-aalala kay John na ibibigay ito sa Pathways Hospice Care.