-- Advertisements --

Binigyang pugay ni Beyonce ang professional dancer na pinatay sa saksak sa New York habang sumasayaw sa kaniyang kanta.

Ang 28-anyos na si O’Shae Sibley ay kasama ang ilang mga kaibigan sa isang gasolinahan at sila ay sumasayaw.

NIlapitan umano sila ng isang grupo ng kalalakihan at kinutya ang biktima dahil sa pagiging gay umano ng biktima.

Tumakas ang mga suspek matapos ang nangyaring krimen.

Sa social media account ng singer ay binigyang pugay nito ang biktima at nanawagan siya sa mga kapulisan sa Brooklyn ng agarang pag-aresto sa mga tumakas na suspek.