Nagtala ng record sa kasaysayan ng Grammy Awards si Beyonce.
Ito ay dahil siya na ang may hawak ng most- nominated artist of all time.
Dahil dito ay nahigitan na niya ang asawang si Jay-Z.
Ang mag-asawa kasi ay parehas noon na mayroong 88 nomination dahil sa kaniyang bagong album na Cowboy Carter ay nahigitan na ito ni Beyonce.
Ngayon taon kasi ay mayroon itong 11 nominations kabilang ang best Album, best country album at song of the year na “Texas Hold’Em”.
ilan sa mga may maraming nominees na tig-pito bawat isa ay sina Billie Eilish, Kendrick Lamar, Post Malone at Charli XCX.
Mayroon namang tig-anim na nominations sina Taylor Swift, Sabrina Carpenter at Chappel Roan.
Kasama rin ang legendary band na The Beatles na nominado sa record of the Year na “Now And Then” na isang hindi natapos na kanta ng bokalistang si John Lennon na ginawan na ng paraan gamit ang artificial intelligence o AI.
Gaganapin ang ceremony ng Grammy Awards sa Los Angeles sa Pebrero 2, 2025.