-- Advertisements --

Nanguna ang singer na si Beyonce sa may pinakamaraming nominations sa 2021 Grammy Awards.

Aabot kasi sa siyam ang nominations nito na sinundan nina Dua Lipa, Taylor Swift at rapper na si Roddy Ricch na mayroong tig-anim na nominations.

Maglalaban naman sa Album of the Year sina Swift at Dua Lipa kasama sina Post Malone, Coldplay, Haim, Jacob Collier, The Black Pumas at singer na si Jheni Aiko.

Karamihang nominasyon ni Beyonce ay mula sa kanta nitong “Black Parade” na patungkol sa Black culture at aktibismo.

Gaganapin ang Grammy awards sa Enero 31 sa susunod na taon na ang magiging host dito ay si Trevor Noah.