-- Advertisements --
Itinuturing ni Beyonce na isang ‘love letter’ sa Africa ang soundtrack ng pelikulang Lion King.
Ito ay matapos na halos lahat ng mga kanta ay gawa ng mga singer na mula sa Africa.
Sa 14 track album na ‘The Lion King: The Gift’ mayroong apat na kanta ito.
Ilan sa mga singer ay ang singer ng Nigeria na sina Burna Boy, Mr. Eazi, Yemi Alade, Tiwa Savage at Wizkid.
Kabilang din sina Shatta Wale na tubong Ghana, Salatiel ng Cameroon, Busiswa at Moonchild Sanelly ng South Africa.
Hindi lamang ito ang unang beses na naprioritized ang African music dahil noong 2018 ay kabilang ang soundtrack ng pelikulang The Black Panther ang ilang mga singer mula sa South Africa.