-- Advertisements --

Nagtala ng record si pop and R&B/hip-hop superstar Beyoncé sa kasaysayan ng musika.

Siya kasi ang unang Black woman na nag-numero 1 sa Billboard Hot Country Song chart dahil sa kanta nitong “Texas Hold ‘Em”.

Ang nasabing kanta ay inilabas noong Super Bowl 58.

Si Beyonce rin ang unang babae na nakakuha ng top Hot Country Songs at Hot R&B/Hip-Hop Song chart mula ng magsimula ang nasabing listahan noong 1958.